Home
Information in Tagalog Print E-mail

 

Gawain

Ang partnership ay nagsasagawa ng mga pangkalahatang gawain na may mga indibidwal na partner na ang pokus ay sa larangan ng mga Korporasyon, Pananalapi, Pagbubuwis, Ari-ariang Intelektwal, Imigrasyon, Mga Transaksyong Kaugnay sa Ari-ariang Di-natitinag, Kalakalang Pandaigdigan, Paggawa at Pagsasakdal, bukod sa mga iba pa.


Mga Korporasyon

Ang gawaing pangkorporasyon ng partnership ay sumasaklaw sa mga sumusunod: Pagbubuo ng mga Korporasyon; Mga Lingkurang Pangkalihim ng Korporasyon; Mga Lingkurang Trust, Nominee at Escrow; Pagsasaayos ng Pamumuhunang Pandayuhan; Magkasamang Pakikipagsapalarang Pangnegosyo; Pagtatayo ng mga Sangay, mga Tanggapang Pangkinatawan at Mga Panrehiyong Sentro sa Bansa.


Pagbabangko na Pamumuhunan

Ang gawaing pananalapi ng partnership ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Pagbibigay ng mga Panagot; Pagtatala ng mga Panagot; Pagsasanib at Pagkuha; Mga Alok ng Pagbili ng Sosyo sa Kompanya; Nararapat na Sipag para sa mga Issuer at Underwriter; Regulasyon sa mga Broker/Dealer; Pagtutustos sa Ari-ariang Di-natitinag; Pagtutustos sa Proyekto.


Pagbabangko na Pang-Komersyo

Ang gawaing pananalapi ng partnership ay sumasaklaw din sa mga sumusunod: Pagsasadokumento ng Utang; Muling Pagsasaayos ng Utang; Mga gawaing Palitang Pandayuhan; Mga Transaksyong Kalakalang Pandaigdigan; Regulasyon sa Pagbabangko.


Pagbubuwis

Malapit na nauugnay sa aming gawaing batas pangkomersyo ay ang aming gawaing pambuwis. Hinahawakan namin ang mga kaso tungkol sa creditable na buwis na ibinabawas sa kita, dagdag na buwis sa halaga (VAT), buwis sa selyong pagdokumento, buwis sa paglilipat, mga bayad sa adwana kabilang ang iba pang mga buwis na nakakaharap sa mga transaksyong pangnegosyo.


Ari-Ariang Intelektwal

Ang mga gawaing pang-ari-ariang intelektwal (gaya ng patents, trademarks, copyrights,technology transfer) ng partnership ay sumasaklaw sa mga sumusunod: Aplikasyon at Rehistrasyon; Mga Kasunduan sa Pagbibigay ng Lisensya; Paglabag; Di-makatwirang Kumpetisyon; Inter-partido at Panghihimasok; Pagsamsam.


Imigrasyon

Ang gawaing pang-imigrasyon ng partnership ay nakapokus sa pagkuha ng residenteng visa para sa: Tauhang Namamahala at Teknikal na nakatalaga sa Bansa; Mga Namumuhunan; Mga Retirado.


 

Mga Partner

Demosthenes B. Donato
Posisyon: Kagawad. Ipinanganak sa Lungsod ng Davao, Pilipinas, 1963. Pumasa sa bar, 1989, Pilipinas. Edukasyon: Fordham University, New York (L.L.M., 1995); Ateneo de Manila University (L.L.B., 1998). Autor: Labor Juris (2000). Kagawad, Sentro ng Pananaliksik at Natatanging mga Pag-aaral, Inc.. 2001. Kagawad, Unibersidad ng Pilipinas; Solair Task Force sa Pagbabago ng Batas sa Paggawa, 1999-2000. Kagawad, Integrated Bar of the Philippines - Komite sa Paggawa at Pakikipag-ugnayang Pang-industriya, 1992-1994. Konsentrasyon: Regulasyon sa Dayuhang Pamumuhunan; Magkasamang Pakikipagsapalarang Pang-Negosyo; Korporadong Pananalapi; Regulasyon sa mga Panagot; Pangbangko na Pamumuhunan; Paggawa.


Jeffrey-John L. Zarate
Posisyon: Kagawad. Ipinanganak sa Maynila, Pilipinas, 1968. Pumasa sa bar, 1994, Pilipinas. Edukasyon: Ateneo de Manila University (J.D., 1993). Kagawad, Integrated Bar of the Philippines. Konsentrasyon: Mga transaksyon kaugnay sa mga Ari-ariang Di-natitinag; Pagsasakdal; Paggawa.


Alejandro R. Rodriguez, Jr.
Posisyon: Kagawad. Ipinanganak sa Maynila, Pilipinas, 1961. Pumasa sa bar, 1999, Pilipinas. Edukasyon: University of Sto. Tomas (L.L.B., 1986); Ateneo de Manila University (B.S. Legal Management, 1982). Kagawad, Intellectual Property Association of the Philippines. Kagawad, Integrated Bar of the Philippines. Konsentrasyon: Mga Korporasyon; Imigrasyon; Paggawa; Adwana; Ari-ariang Intelektwal; Arbitrasyon sa Konstruksyon.


Luzonia M. Em
Ipinanganak sa Maynila, Pilipinas, 1962. Pumasa sa bar , 1990, Pilipinas. Edukasyon: University of the East (L.L.B., 1987). Kagawad, Law Society ng Hongkong (Rehistradong Dayuhang Abogado). Kagawad, Integrated Bar of the Philippines. Konsentrasyon: Mga Korporasyon; Ari-ariang Intelektwal; Imigrasyon.


Ramon U. Braganza
Position: Kagawad. Ipinanganak sa Pangasinan, Pilipinas, 1954. Pumasa sa bar, 1989, Pilipinas. Edukasyon: Ateneo de Manila University (L.L.B., 1988). Kagawad, Integrated Bar of the Philippines. Konsentrasyon: Mga transaksyon kaugnay sa pagtutustos; Pagsasakdal.


 

Tagapayo

Nicolas A. Zarate
Ipinanganak sa Aklan, Pilipinas, 1944. Pumasa sa bar, 1971, Pilipinas. Edukasyon: University of the Philippines (L.L.B., 1970). Kagawad, Philippine Constitution Association. Kagawad, National Environment Protection Council - Legal Committee, 1978-1983. Kagawad, Integrated Bar of the Philippines. Konsentrasyon: Mga transaksyon kaugnay sa Ari-ariang Di-natitinag; Pag-gamit sa Lupa; Proteksyon sa Kalikasan; Mga Korporasyon.

Last Updated on Monday, 16 November 2009 03:30
 

 

Tagalog Information

 

Japanese Information 日本語によるご案内

We have 3 guests online